Mga Post

"Aking ambisyon"

Imahe
   Darating ang araw yayaman ako. Magkakaroon ng maraming pera ari arian at iba pa. Lahat ng ito ay aking makakamit gamit ang aking sariling sikap. Sikap at tyaga na may halong determinasyon at inspirasyon. Lahat ng ito ay aking makakamit sa tulong ng aking mga kaibigan, kapamilya, at iba pang malalapit sa aking buhay. Sa pag dating ng araw na iyon ay hindi ako makakalimot,   hindi lalaki ang aking ulo at hinding hindi ako makakalimot sa aking pinanggalingan. Tutulong ako sa aking pamilya, kamag anak at sa iba sa abot ng aking makakaya. Yan lamang ang aking ambisyon naway matupad sa darating na panahon.

"Tropa"

Imahe
   Sila ang kapatid, kaibigan at kaklase kong maaasahan. Nakilala ko sila ngayung kolehiyo lamang. Noong una hindi pa kami nagpapansinan hanggang sa lumipas ang araw buwan bigla nalang kaming nagsasama sama at nagka mabutihan. Masaya akong kasama sila di lang sa pag aaral maging sa kalokohan. Minsan nag tatampuhan kami dahil sa pikunan ngunit magbabati din kinabukasan. Ganyan ang kaibigan mga kaibigan kong hinding hindi malilimutan hanggat akoy nabubuhay.

Sa isang bote ng alak

Imahe
Sa isang bote ng alak marami ng mabubuo. Mga masasayang gawain masasayang usapan kung minsan di maiiwasan ang dramahan patungkol sa pamilya sa sa buhay pag ibig at iba pa. Sa isang bote ng alak may samahan kaming tumatatag at lalu pang tumatatag habang tumatagal. Darating din ang araw na magkakapamilya kaming lahat bubuo ng sariling pamilya ngunit hindi namin malilimutan ang lahat ng masasaya at masamang ala ala na nabuo sa isang bote ng alak.

"Buhay Pag-ibig Naman"

Imahe
       Ang letratomg ito ay kuha noong nakaraang taon lamang. Nagdaos kami dito ng isang programa na United Nation kung saan nag suot kami ng ibat ibang kasuotan. Ang babaeng kasama ko sa larawan ay isa sa mga importanteng tao sa aking buhay. Siya si Roma Alcantara ang aking kasintahan. Mahigit limang buwan nadin kaming nagmamahalan madalas mang magtampuhan, nagseselosan at nag-aaway alam niya't alam kong kami'y nagmamahalan. Madalas man kaming di magkasundo ngunit di naman humahantong sa hiwalayan. Pareho naming pangarap na makatapos sa pag-aaral, magkaroon ng maayos na trabaho, maginhawang buhay at higit sa lahat ang humantong sa kasalan. Hindi man namin alam ang mangyayari sa hinarap ngunit pipilitin naming dalawa na magpakatatag upang magkasama ng pang habang buhay. 

"Study sa Library"

Imahe
Sa buhay atleta hindi dapat puro sports lang ang inaatupag dapat marunong kang pagsabayin ang pagaaral at pagiging atleta. Bilang isang atleta hindi ko rin pinapabayaan ang pag-aaral ko kasi ito ang bagay na dapat ay makuha ko dahil ito ang daan tungo sa tunay na tagumpay. Tagumpay na dadalhin ko habang buhay ..

"Buhay sa Larangan ng CHESS"

Imahe
Magmula ng elementarya palang ako ay naglalaro nako ng Chess hanggang sa ngayong kolehiyo na ako. Para sa akin isa na itong bisyo na hindi ko na matatanggal sakin sarili sapagkat madami nakong napuntahan dahil dito. Isa na dito ang Pampanga, Bulacan, Cabanatuan Pangasinan at marami pang iba .. at higit sa lahat ay masaya ako sa twing linalaro ko ang larangan na ito " Ang buhay ay parang Chess lang bago mo galawin o gawin ang isang bagay ay dapat pinagiisipan mumuna ng mabuti"