"Aking ambisyon"
Darating ang araw yayaman ako. Magkakaroon ng maraming pera ari arian at iba pa. Lahat ng ito ay aking makakamit gamit ang aking sariling sikap. Sikap at tyaga na may halong determinasyon at inspirasyon. Lahat ng ito ay aking makakamit sa tulong ng aking mga kaibigan, kapamilya, at iba pang malalapit sa aking buhay. Sa pag dating ng araw na iyon ay hindi ako makakalimot, hindi lalaki ang aking ulo at hinding hindi ako makakalimot sa aking pinanggalingan. Tutulong ako sa aking pamilya, kamag anak at sa iba sa abot ng aking makakaya. Yan lamang ang aking ambisyon naway matupad sa darating na panahon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento